-- Advertisements --
Inaresto ang deputy defense minister ng Russia dahil umano sa pagtanggap ng suhol.
Ito na ang itinuturing na pinakamataas na tao sa nasangkot sa kurapsyon sa pamumuno ni Russian President Vladimir Putin mula ng lusubin nila ang Ukraine ng mahigit dalawang taon na.
Base sa imbestigasyon na tumanggap umano si Timur Ivanov ng nasa $10,800 sa isang organized group.
Sinabi ng abogado nito na si Denis Baluyev, na kanilang iaapela ang kaso at hihiling sa korte na kung maari sa house arrest na lamang ito.
Si Iavnov ay itinalaga sa puwesto mula pa noong 2016 at itinuturing na isa siya sa mga naging utak sa paglusob ng Russia sa Ukraine.