-- Advertisements --
Isinusulong ng Department of Tourism ang digitalization sa buong industriya ng turismo sa bansa.
Sinabi ni Tourism Secretary Ma. Cristina Frasco, na sang-ayon ang mga iba’t-ibang stakeholders gaya ng mga kinatawan ng mga hotel, tour operators at tourist transport providers sa nasabing planong pagsasailalim ng digitalization.
Giit pa ng kalihim na ang hakbang aniya ay magbibigay ng malaking tulong sa pag-unlad ng turismo sa bansa.
Maging aniya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay isinusulong ang nasabing digitalization sa bansa.