-- Advertisements --

Malugod na tinanggap ng Department of Finance (DOF) ang pinakahuling Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Base kasi sa ulat ng PSA na mayroong 4.7 percent ang ibinaba ng unemployment rate noong Marso na ito ay mas mababa kumpara noong nakaraang taon sa parehas na buwan na mayroong 5.8 percent.

Nangangahulugan nito ang pagkakaroon ng 1.61 milyon na mga employed Filipinos ang nagkaroon na ng trabaho sa nagdaang buwan.

Kasabay din nito ay tumaas ang labor force participation rate (LFPR) ng 66% kumpara sa 65.4 percent lamang noong 2022.

Magugunitang ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa harap ng mga manggagawa noong Mayo 1 na gumaganda na ang estado ng employement rate sa bansa.