Patuloy umano ang pagtaas ng bilang ng pagde-deploy ng pamahalaan sa mga overseas Filipino workers (OFWs) sa iba’t ibang bansa.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), sa ngayon nasa 70,000 na raw kada buwan ang kaniang naide-deploy sa kabila ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia, sa naturang bilang nasa 30,000 ang land-based habang ang 40,000 ay sea-based.
Aniya mula sa pagbulusok sa 74 percent ng deployment noong nakaraang taon ay umaangat na ito kada buwan.
Dagdag niya, in demand daw daw sa ngayon ang mga OFWs sa United Kingdom, Germany at ilang bahagi ng Middle East countries.
Sa sea-based, naka-deploy daw ang mga OFWs sa cargo, transport at petroleum vessels at in demand din ang mga ito.
Una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nasa 1.4 million Filipinos na-repatriate na mga Pinoy workers sa ibayong dagat dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic mula noong Marso 2020.
Sa naturang bilang nasa 1.1 million ang mga OFWs at ang iba ay returning overseas Filipinos.