-- Advertisements --
Hindi pa ikinokonsidera ng Department of Migrant Workers (DMW) ang pagpapatupad ng deployment ban sa Kuwait.
Kasunod ito sa nangyaring pagpatay sa isang overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara.
Sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na agad namang naaresto ang 17-anyos na suspek na anak ng amo nito ng wala pang 24 na oras mula ng mangyari ang krimen.
Naikuwento rin ng ina ng biktima na sinasaktan siya ng anak ng amo at minsan ay pinagbabantaan pa ang buhay nito.
Sa ngayon ay maaring pag-aralan ng DMW ang gagawing reporma kabilang ang bilateral labor agreement sa Kuwait.
Maaring ihalintulad nila ang labor agreement na ipinatupad sa Saudi Arabia na nagbibigay ng proteksyon sa mga OFW.