-- Advertisements --
image 122

Naniniwala ang infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na panahon na para baguhin ang depinisyon ng fully vaccinated.

Ayon kay Solante, sa pamamagitan nito ay mapapataas ang bilang ng mga nagpapa-booster.

Sa ilalim ng isinusulong na bagong depinisyon ng fully vaccinated, mula sa kasalukuyan na dalawang doses ng bakuna lang, isasama na ang first booster.

Kapag nangyari ito, ay oobligahin na ang pupunta sa mga lugar ng paggawa, eskwelahan at mga itinuturing na high risk areas na dapat ay fully vaccinated na.

Kapag isinagawa ito, tiyak umanong marami ang magpapa-booster.

Una rito, sinabi ni Department of Health (DOH) Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na inirekomenda na nila ang nasabing panukala sa Malacañang, pero hindi pa pabor dito ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr dahil baka magdulot ito ng pagkalito sa publiko.

Sa kasalukuyan, sa 72.8 milyong indibidwal sa bansa na naturukan na ng first at second dose ng COVID-19 vaccine, 18.7 milyon pa lang ang may 1st booster.