-- Advertisements --
image 91

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) sa mga mag-aaral at sa mga magulang na magpapatuloy ang learning process sa pamamagitan ng alternative delivery modes sa kabila ng ilulunsad na tigil-pasada simula ngayong araw, Marso 6.

Sa inilabas na advisory ng ahensiya para sa mga personnel ng DepEd, mga estudyante at magulang, sinabi nitong may nakalatag na mga mekanismo para matiyak ang pagpapatuloy pa rin ng pagtuturo sa mga estudyante na mabibigong makadalo ng in-person dahil sa transport strike.

Ayon sa DepEd, maaaring isagawa ng mga paaralan ang mga klase sa pamamagitan ng in-person o di naman kaya ay alternative delivey modes depende sa preference ng mag-aaral at ng kanilang magulang o guardians gaya ng online classes o modules.

Inabisuhan na rin ang lahat ng Regional Directors at Division Superintendents na maghanda para sa in-person classes at modular distance learning depende sa sitwasyon ng kanilang lokalidad.

Nagpahayag din ng pagkilala ang DepEd sa LGUs sa kanilang pagsusumikap maging ng mga opisina ng gobyerno na matulungan ang mga mag-aaral sa kasagsagan ng tinawag nitong learning disruptive transport strike.