Pinagsusumite ni Ang Probinsyano party-list ang Department of Education sa Kongreso ng kanilang buo at totoong report sa blended learning sa bansa.
Kasabay nito ay hinikayat ng kongresista ang kagawaran na maghanap ng iba pang posibleng pamamaraan para masimulan ang face-to-face classes sa mga low-risk areas sa bansa.
Ayon kay Ang Probinsyano party-list Rep. Ronnie Ong maraming mga estudyante, lalo na sa mga prbinsya, ang talagang nahihirapan na sa umiiral na blended learning system at napag-iiwanan na ng kanilang urban counterparts.
Para kay Ong, dapat payagan na ang face-to-face classes sa mga lugar na mababa o wala nang naitatalang COVID-19 cases.
Maari aniyang isagawa ang in-person classes nang by batch o by schedule, kagaya na lamang nang pagpayag sa mga estudyante na pumasok ng dalawang araw lamang sa loob ng isang linggo.
Dapat isailalim din aniya ang mga estudyante at mga guro sa libreng swab test o saliva swab test, bilang standard protocol sa mga campuses.
Hinimok din ni Ong ang DepEd na magsumite sa Kongreso ng buo at tunay na assessment sa implementasyon ng blended learning system