Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi lumabag sa data privacy law ang inilabas nitong memorandum na nag-aatas sa mga school official na magsumite ng listahan ng mga guro na miyembro ng isang union na naga-avail ng Automatic Payroll Deduction System.
Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa na ang naturang mga impormasyon ay ibinigay na nila sa ahensiya dahil bahagi ito ng pagiging accredited sa Automatic payroll deduction system kayat mayroon aniyang consent mula sa mga guro.
Tiniyak din ng opisyal sa mga guro na ang mga nakolektang data ay gagamitin lamang sa loob ng kanilang tanggapan sa DepEd at hindi ito ibibigay sa third party.
Matatandaan, nitong nakalipas na linggo, naghain ang mga miyembro ng Makabayan bloc ng isang resolution na kumokodena sa inisyung memo ng Deped noong Hunyo 14 para sa pagsusumite ng mga pangalan ng mga gurong konektado sa Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Inakusahan din grupo ang DepEd ng profiling sa mga miyembro ng grupo at paglabag umano ito sa Data Privacy Act.
Sinabi naman ng ACT na tinitignan nila ang posibilidad ng legal actions na maaaring gawin kaugnay sa memo ng Deped kabilang na ang posibilidad na paghiling sa Ombudsman na imbestigahan ang inisyung order ng DepEd.