-- Advertisements --

Nakipag-ugnayan na ang Department of Education (DepEd) sa Government Service Insurance System (GSIS) para ma-reconcile ang bilyon piso na mga unremitted contributions at loan payments na ibinawas na mula sa mga teaching at non-teaching personnel.

Mula pa sa pagsisimula ng taong ito ay nakipag-ugnayan na ang DepEd sa GSIS ukol sa nasabing usapin.

Ilan sa mga itinuturong dahilan nila ay ang system incompatibility at timing differences.

Magugunitang inilabas ng Commission on Audit noong 2022 na mayroong P5 bilyon na premium contributions at loan amortizations ang hindi naremit ng DepEd.