-- Advertisements --

Suportado ng United Nations (UN), United Nations Children’s Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO) ang desisyon ng Pilipinas na ituloy na ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa mga lugar na mayroong mababang kaso ng COVID-19.

Ayon sa grupo na mahalaga ang pagbabalik ng nasabing face-to-face classes dahil sa bawat bata ay mayroong karapatan sa edukasyon na siyang huhubog sa kanilang pagkatao.

Nararapat pa rin aniya na ipatupad ang pagsusuot ng face mask, physical distancing, paghuhugas ng kamay at tamang ventilasyon ng mga classroom.

Nauna ng sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na isasagawa ang pilot run gn in-person classes sa 100 paaralan sa mga lugar na iindorso ng DepEd, Department of Health at mga local government unit.