-- Advertisements --

Naglabas ang Department of Education (DepEd) ng bagong modules para sa mga mag-aaral sa Alternative Learning System (ALS).

Ayon kay Education Assistant Secretary GH Ambat, halos tatlong milyon na junior high school ALS students ang makikinabang sa mga naturang bagong version ng learning materials.

Kaugnay nito, ipinagmalaki ni Ambat ang mga nasabing bagong ALS modules na sumasabay aniya sa 21st century skills na kailangan ng mga K to 12 students.

Una nang sinabi ni DepEd Sec. Leonor Briones na pinagsisikapan ng kanilang tanggapan na maitaas ang kalidad ng edukasyon upang makipagsabayan sa ibang mga bansa.