-- Advertisements --

Nakatakdang maglabas si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte-Carpio ng mga guidelines sa mga aktibidad na maaaring payagan sa mga paaralan ngayong school year.

Dagdag pa nito na ipagbabawal niya ang mga extra-curricular activities para mapagtuunan ng mga guro ang academics at mahabol ang mga aralin na nawala dahil sa COVID-19 pandemics.

Sa nasabing listahan aniya ay malalaman ang mga standards ng aktibidad na papayagan ngayong taon.

Kung ngayong taon aniya ay walang Palarong Pambansa ay tiniyak nito na sa susunod na taon ay magkakaroon ng nasabing aktibidad.

Patuloy din aniya ang pakikipag-ugnayan ng DepEd sa Department of Budget Management para payagan sila na mag-implementa ng mga pagtatayo ng mga paaralan.