-- Advertisements --
Nanindigan ang Department of Education (DepEd) na hindi maaaring gawin ang automatic na pagpasa sa mga estudyante dahil lamang sa pandemic.
Ayon kay Usec. Diosdado San Antonio, hindi lang ang pag-akyat ng grade level ang importante sa pag-aaral, dahil higit pa rito ang kailangan ng mga estudyante.
Pangunahin na aniyang kailangan ay matuto ang mga mag-aaral bago ito payagang sumampa sa susunod na academic level.
Paliwanag ni San Antonio, ang mga estudyante rin ang mahihirapan sa huli kung basta sila makakapasa kahit walang proper assesment para sa kanilang mga natutunan.
Una nang sinabi ng ilang grupo na mas bababa ang kalidad ng edukasyon sa bansa kapag pinairal ang automatic na pagpasa sa mga mag-aaral.