-- Advertisements --

Ipinasa ng Department of Education (DepEd) ang sisi sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay sa nabulgar na umano’y mga “outdated” at mamahaling laptops para sa mga teachers.

Una nang pinuna ng Commission on Audit (COA) ang DepEd dahil sa umabot sa P2.4 billion ang halaga ng mga laptop na binili pero luma naman sa pamamagitan ng PS-DBM.

Dahil sa mahal ang mga laptops at overprice, kokonti tuloy ang nabili na mahigit sa 39,000 school teachers sa halip na target na mabigyan ang nasa mahigit 68,000 na mga guro.

Sa paliwanag ng DepEd ang naturang isyu ay mas mabibigyan umano ng kasagutan ng PS-DBM.

Bago ito binansagan ang overpricing issue bilang kahalintulad sa Pharmally isyu na inimbestigahan noon ng Senado, dahil din sa overpricing na medical supplies para sa DOH na ang PS-DBM din ang namahala sa pagbili.

Ilang mambabatas naman ang nakapanayam ng Bombo Radyo na paiimbestigahan nila ang usapin sa overprice at outdated na binili na laptop ng DepEd.