-- Advertisements --

Naglabas ng kautusan ang Department of Education (DepEd) para sa pagtalakay sa kahalagahan ng watawat ng Pilipinas at mga naganap sa kasaysayan.

Base sa DepEd Memorandum Number 30, series of 2023 na tatalakayin ito sa Sibika at Kultura, HEKASI, Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, MAPEH, Filipino at English ng isang pagkakataon sa bawat linggo sa buong taon.

Ang nasabing hakbang ay bilang paghahanda sa ika-isandaan at dalawampu’t limang o 125 anibersaryo ng kasarinlan ng bansa sa June 12.

Magsusumite rin ang mga mag-aaral sa Grades 1 hanggang 3 ng iginuhit na watawat ng Pilipinas habang ang higher grade levels ay isang pahinang reflection paper hinggil sa Independence Day.

Samantala, magkakaroon naman ng Simultaneous Flag Raising sa lahat ng paaralan at historical sites sa June 12.