-- Advertisements --

Ipinapaubaya na lamang ng Department of Educaiton (DepEd) sa mga private schools ang pagpapatupad ng trimester.

Kasunod ito sa naging pahayag ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na hindi nila ipapatupad ang nasabing trimester.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, na mayroong flexible school calendar ang mga private schools kaya hindi sila sumasabay sa ipinapatupad sa mga pampublikong paaralan.

Inihalimbawa nito na may ilang private schools na sa buwan pa ng Mayo ipapatupad ang pagtatapos ng mga mag-aaral.

Magugunitang ipapatupad na ng DepEd ngayong school year 2026-2027 ang trimester.

Sa nasabing scheme ay magsisimula ang unang semester mula Hunyo hanggang Setyembre habang ang second semester ay mula Setyembre hanggang Disyembre at ang third semester ay mula Enero hanggang Marso.