-- Advertisements --

Isinusulong ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng summative at performances tasks bilang periodical exam ng mga estudyante ngayong taon.

Ito ay para umano maiwasan ang “distance cheating” sa mga online classes.

Ayon kay DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio, maaari ring magsagawa ng occasion conversation ang mga guro sa kanilang estudyante upang alamin kung naiintindihan ba nito antg mga lessons na tinalakay.

Umapela rin ito sa mga mahalagang papel ng mga magulang na panatilihin ang pagiging tapat sa kanilang mga anak.

“Periodic exams measures the learner’s acquisition of context standards as articulated in the curriculum guide could be addressed by summative and performance tasks. The other thing that could be done is for the teachers to do occassional converastions with the learners. So it will not be a test but a conversation focusing on the lessons covered,” ani San Antonio.

Nilinaw naman ni Education Secretary Leonor Briones na alternatibo lamang ang mga hakbang na kanilang inilalatag para sukatin ang kaalaman ng isang mag-aaral.