-- Advertisements --
image 217

Ilalabas ng Department of Education (DepEd) ang P5,000 cash allowance sa mga kwalipikadong guro kasabay ng pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan sa katapusan ng buwang kasalukuyan.

Ayon kay DepEd Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla, ito ay ibibigay sa mga kwalipikadong guro simula sa Agosto 29, o ang simula ng School Year (SY) 2023-2024.

Batay sa datos, ang P5,000 cash allowance ay ibibigay sa mga karapat-dapat na guro para sa pagbili ng mga kagamitan at materyales sa pagtuturoa at para sa internetsubscription.

Gayundin ang iba pang gastos sa komunikasyon, at para sa taunang gastos sa medikal para sa papasok na school year.

Binanggit ng DepEd na sa “exigency of the entire teaching force,” ang P5,000 cash allowance para sa mga implementing units ng DepEd na may available na cash allocation ay dapat na maibibigay sa mga kwalipikadong guro sa katapusan ng Agosto.

Iginiit ng DepEd, dapat tiyakin ng mga Regional Offices na ang allotment para sa layunin ay ipoproseso at ipapalabas sa Schools Division Offices sa lalong madaling panahon.