Binigyang-diin ng DepEd na ang paksa ng same-sex union ay nasa kurikulum na ng bansa mula pa noong 2013, na sinasabing tinuturuan nito ang mga mag-aaral nang higit pa sa mga kaugnay na issue.
Nilalayon nitong bigyan ang mga mag-aaral ng mas malawak na pang-unawa sa mga issue na gender-based issues, hikayatin ang paggalang sa loob ng komunidad, at isulong ang ‘inclusivity’.
Gayunpaman, ang nasabing departamento ay pagsasama-samahin at isasaalang-alang ang lahat ng mga komentong natatanggap upang i-finalize ang K-10 curriculum guide.
Naglabas ng pahayag ang DepEd matapos magpahayag ng pagtutol ang isang mambabatas at pinag-aaralan ang pag-iimbestiga sa kongreso sa pagsasama ng mga paksang “gender fluidity” at “same-sex union” sa draft curriculum ng departamento para sa kindergarten hanggang grade 10.
Nauna nang inilabas ng DepEd ang kanilang revised draft curriculum sa pamamagitan ng kanilang social media account para sa pampublikong pagsusuri at komento ukol sa naturang issue.