Umabot na sa humigit-kumulang 500,000 na mga mag-aaral ang nag-avail sa early enrolment para sa Kinder 1, Grade 1, 7 at 11 para sa school year 2023-2024 ayon sa Department of Education-Central Visayas.
Inihayag ni Department of Education-7 Regional Director Dr. Salustiano Jimenez na nagkaroon sila ng quick count araw-araw kung saan, as of 5pm kahapon, Agosto 14, nasa 489,000 ang nag-enrol para sa grades 2-6, 8-10 at grades 12.
Mayroon pa umanong pagtaas ng mga enrollees ng 5,000 hanggang 10,000 kada araw sa buong rehiyon maliban nalang sa Siquijor.
Samantala, kinumpirma pa ni Jimenez na may mga problema pa rin sa mga silid-aralan sa rehiyon at maging ang mga guro.
Ikinabahala pa nito ang pag-alis ng mga guro at pangingibang bansa dahil kinailangan na naman nilang magsimula sa una at magtrain ng mga bago.
Gayunpaman, marami rin naman umano ang nag-aaply.
Sa ngayon aniya, prayodridad pa nila ang mga silid-aralan dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpa-enroll.