-- Advertisements --

Inamin ng Department of Education (DepEd) na ang budgeting at isyu sa procurement ang pangunahing mga rason kaya naantala ang distribusyon ng mga self-learning modules sa ilalim ng blended learning program.

Sa isang panayam, sinabi ni DepEd Usec. Annalyn Sevilla, kinailangan kasi ng kagawaran na i-reprioritize ang mga polisiya at humingi ng approval sa mga bago nilang programa lalo pa’t wala pang COVID-19 pandemic nang naaprubahan ang kanilang initial budget.

Maliban dito, inihayag ni Sevilla na kabilang din sa nagpa-delay sa pamamahagi ng mga modules ang supply, komunikasyon at koordinasyon sa iba’t ibang panig.

“We have to find ways on how to also give the resources down to the schools,” ani Sevilla.

Una rito, inamin ng DepEd na nasa proseso pa raw sila ng distribusyon ng mga modules dahil may mga magulang na hindi pa nakukuha ang mga learning materials sa mga paaralan.