-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 07 14 20 11

Hindi pa rin nagbibigay ng go-signal ang Department of Trade and Industry(DTI) sa kahilingan ng mga sardines manufacturers sa bansa na itaas ang presyo ng kanilang mga produktong sardinas.

Ito ay sa likod ng pag-amin ni DTI Sec Alfredo pascual na mayroon na silang desisyon nito pang nakalipas na linggo para sa suggested retail price ng sardinas.

Maalalang pangunahing katwiran ng mga manufacturers ay ang pagsipa ng presyo ng petrolyo na ginagamit ng mga commercial fishing vessel, kasama na ang mababang nahuhuling isda.

Ayon kay Sec. Pascual, bagaman mayroon na silang inisyal na desisyon, may ilang bagay pang kinokonsidera ng DTI bago ang tuluyang paglalabas nito.

Pangunahin dito aniya ang paggalaw sa presyo ng produktong petrolyo, kasama na ang iba pang inputs na iprinisenta ng mga manufacturers.

Sa ngayon ay wala pang katiyakan kung kailan ilabas ng Trade and Industry Department ang desisyon sa kahilingan ng mga manufacturers.