-- Advertisements --

May kabuuang bilang na mahigit 2.6 milyong turista ang dumating sa Pilipinas para sa taong 2022, ayon sa mga datos ng Department of Tourism (DOT).
Ito ay dahil umano sa pagbubukas ng mga hangganan o borders sa lahat ng mga international traveller noong buwan ng Pebrero ng taong 2022.
Dagdag dito, nasa P173 bilyong kita sa turismo ang naitala ng naturang ahensya.
Ang nangungunang mga internasyonal na turista ay mula sa US, South Korea, Australia, at United Kingdom.
Una na rito, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na target ng departamento na magkaroon ng 4.8 million international visitors ngayong taong 2023.










