-- Advertisements --
DILG AND PNP

Nagpaabot ng pagbati ang Department of the Interior and Local Government sa Philippine National Police dahil sa matagumpay na kampanya nito kontra kriminalidad sa Pilipinas.

Sa isang pahayag ay ipinaabot ni Interior Undersecretary for Peace and Order Oscar Valenzuela ang pagbati ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. sa pambansang pulisya sa ilalim ng pamumuno ni Philippine National Police chief PGen. Rodolfo Azurin Jr.

Ito aniya ay matapos na lumabas ang pinakahuling resulta ng Pulse Asia Survey na nagpapakita na bumaba sa ika-apat na ranggo ang paglaban sa kriminalidad pagdating “Most Urgent National Concern” ng pamahalaan.

Ayon kay Usec. Valenzuela, sumasalamin ito sa pagsisikap ng pulisya sa pagpapanatili ng Peace and Order sa bansa na nangangahulugang hindi na aniya masyadong nababahala ang taumbayan para sa kanilang kaligtasan.

Samantala, kaugnay nito ay patuloy naman ang panawagan ng nasabing kagawaran sa buong hanay ng pulisya na paigtingin pa ang kanilang isinagawan pagsisikap para maiparamdam sa mga mamamayan na ligtas sila maging sa labas ng kanilang mga tahanan.