Tuloy-tuloy ang pagtulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para mapadali ang pagpapalabas ng mga pondo para sa mga programa sa kapakanang panlipunan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Mahigpit na nakikipagtulungan ang Department of Social Welfare and Development sa Department of Budget and Management (DBM).
Ito ay para makatulong na mapadali ang direktang pagpapalabas ng mga pondong inilaan para sa iba’t ibang social welfare programs sa BARMM.
Sa isang inter-agency consultation meeting na ginanap noong Enero 16, pinadali ng mga opisyal ng DSWD ang pagtalakay sa mga tuntunin at kondisyon na itinakda sa ilalim ng DSWD 2023 budget special provision No. 8 ng General Appropriations Act sa mga kinatawan ng BARMM,
Kabilang sa mga mekanismo at pamamaraan na gagawin, ang direktang paglilipat ng mga pondo mula sa departamento patungo sa autonomous na rehiyon.