-- Advertisements --
Dumalo lamang sa misa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr para gunitain ang ika-36th death anibersaryo ng amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Immaculated Conception Parish sa Batac City, Ilocos Norte nitong araw ng Linggo, Setyembre 28.
Kasama nitong dumalo sa misa ang pinsan na si Ilocos Norte Governor Cecilia Araneta Marcos at anak na si William Vince “Vinny” Araneta Marcos at ilang mga kaanak at kaibigan.
Bagamat hindi nakadalo ay idinaan na lamang ni Senator Imee Marcos sa kaniyang social media ang pagkilala sa namayapang ama.
Nagsilbi si Marcos sa bansa ng mahigit 20 taon mula 1965 hanggang 1986 at namayapa ito noong 1989 sa edad na 72.