Nakatutok ang Department of Social Welfare and Development-National Capital Region (DSWD-NCR) sa pagbibigay ng tulong sa kabuuang 2,241 pamilya o 8,759 indibidwal ang inilikas sa National Capital Region (NCR).
Tinutugunan ng kagawaran ang g mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Karding.
Nananatili ang mga ito sa 114 evacuation centers mula sa 91 mga barangay sa rehiyon.
Tuloy-tuloy naman ang pakikipag-ugnayan nito sa LGUs sa pamamagitan ng kani-kanilang Local Social Welfare and Development Office (LSWDO) at sa Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) para sa mga ulat ng mga insidente at mga posibleng kakailanganin na augmentation assistance mula sa Field Office (FO)-NCR.
Nauna na ring iniulat ng DSWD-NCR na may nakahanda na itong 24,843 family food packs, 8,743 na non food items at standby funds na nagkkahalaga ng P5-M para sa mga maapektuhan ng kalamidad.
Home Nation
Department of Social Welfare and Development-National Capital Region nakatutok sa pagbibigay ayuda sa mga residenteng apektado ng bagyo
-- Advertisements --