Nanawagan ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ating mga kababayang nais mag-donate o magbigay ng tulong para sa mga biktima ng Severe Tropical Storm Paeng na bukas ang kanilang opisina para rito.
Sa Facebook post ng DSWD, lahat daw ng kanilang opisina sa buong bansa ay bukas para sa mga nais magbigay ng tulong.
Tumatanggap daw ang DSWD ng cash at in-kind donations.
Kabilang naman daw sa mga kinakailangan ngayon ng mga residenteng apektado ng bagyo ang pagkain, damit, sleeping kits, hygiene kits, tents ortarpaulins at cash.
Ang mga donors ay puwedeng magbigay ng in-kind donations sa pinakamalapit nilang DSWD Field Office o sa National Resource Operations Center (NROC) Brgy. 195 NAIA, Chapel Road, Pasay City, Metro Manila.