-- Advertisements --
image 5

Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang disaster response fund na P1.2 bilyon ay magagamit pa para sa relief at early recovery efforts para matulungan ang mga naapektuhan ng Tropical Storm Paeng.

Ayon kay Social Welfare Undersecretary for special concerns Edu Punay, mayroon pang P1.2 bilyon na halaga ng stockpile aid at standby fund ang ahensiya pati na rin ang P264 milyon na Quick Response Fund, na magagamit natin para dagdagan ang tulong sa mga apektadong komunidad.

Sa ngayon, umabot na sa 560,000 pamilya o 2.1 milyong katao ang nangangailangan ng humanitarian aid matapos ang bagyo na nakaapekto sa 16 sa 17 rehiyon ng bansa.

Bukod sa food at non-food items, sinabi ni Punay na magbibigay ng tulong ang DSWD sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil kay Paeng, gayundin sa mga nawalan ng bahay at nasugatan.

Dagdag pa nito na hindi pa nila matiyak ang alokasyon na kanilang ilalaan para sa tulong na may kinalaman sa Paeng, ngunit lilimitahan muna ang tulong na pera para sa mga nangangailangan ng burol at tulong medikal.

Top