Nakapagsilbi na sa mahigit 11,000 na mga pasyente ang Department of Migrant Workers hospital sa Pampanga mula nang magbukas ito sa mga Overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya.
Nagsagawa rin ang mga doktor at kawani ng nasabing ospital ng operasyon sa 15 taong gulang na babae na ipinanganak ang kambal na lalaki.
Ibinahagi ni Secretary Ople ang mga highlight na ito nang lumagda ang Department of Migrant Workers ng pakikipagtulungan sa University of the Philippines-Philippine General Hospital upang patakbuhin at pamahalaan ang OFW hospital sa San Fernando City sa Pampanga.
Sina Ople at Dr. Gerardo Legaspi, direktor ng University of the Philippines-Philippine General Hospital, ay lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) para sa operasyon at pamamahala ng OFW Hospital.
Ang naturang ospital ay isang 7-story na gusali na nakatayo sa isang 1.5-hectare na lupain at mayroong 102 bed capacity para sa pasyente nito.