-- Advertisements --
image 236

Muling nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers kaugnay ng tamang pagpapasahod sa Oktubre 31.

Kasunod na rin ito ng pagdedeklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na special non-working holiday ang Oktubre 31 para mabigyan ng mahabang panahon ang mga empleyado na makasama ang kanilang mga pamilya.

Dahil dito, sinabi ng DOLE na ang mga empleyado na papasok sa trabaho sa October 31 na idineklara bilang special non-working holiday ay dapat may dagdag na 30 percent ng kanilang daily rate para sa unang walong oras ng trabaho at karagdagang 30 percent naman ng hourly rate ng empleyado para sa overtime sa nasabing araw ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) rule.

Sa naturang polisiya, saklaw ng “no work, no pay” policy ang October 31 liban sa company policy o collective bargaining agreement.

Una rito, inanunsiyo ng Pangulong Marcos ang October 31 na tinatwag din na Halloween o All Saints’ Eve bilang special non-working holiday.