-- Advertisements --
DOJ

Wala pa ring natatanggap na extradition request hanggang sa ngayon ang Department of Justice mula sa US government kaugnay ng kinahaharap na mga kaso ni Kingdom of Jesus Christ Founder Pastor Apollo Quiboloy.

Sabi ni Justice Spokesman Atty. Mico Clavano, nagsagawa na sila ng inventory sa mga kaso laban kay Quiboloy dito sa Pilipinas.

Paliwanag ni Clavano, gugulong ang extradition ni Quiboloy kung aaksyon ang US government dito.

Bagamat una na rin aniyang tiniyak nitong Lunes ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla na susunod sila sa extradition treaty sa Amerika.

Sa ngayon, patuloy lang aniyang nakaabang ang DOJ kung may ipadadalang extradition request ang US government.

Bagamat aminadong kinakailangan ng pag-uusap dito ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan, sinabi ni Clavano na marami pang mga isyung ligal ang kinakailangang masagot sa usapin ng posibleng extradition ni Quiboloy sa Amerika.

Dumalo sina Clavano at DOJ Sec. Boying Remulla sa 8th Manila International Dialogue on Human Trafficking na ginanap sa isang hotel sa Malate Maynila.

Sabi ni Clavano, hindi niya alam kung kasama si Quiboloy sa mga binabantayan ng Inter-Agency Council Against Trafficking pero ang sigurado aniya.