-- Advertisements --
DOJ

Posibleng maglabas na bukas ng kanilang resolusyon ang Department of Justice (DOJ) kaugnay sa murder complaint na inihain laban sa mga suspects na nasa likod sa pagpatay sa commentator na si Percy Lapid.

Una nang kinumpirma ng DOJ Prosecutor General Benedicto Malcontento na inihayarp na kagabi ang self-confessed killer na si Joel Escorial sa inquest proceedings.

Ayon kay Malcontento ang naghain ng kaso ay ang Philippine National Police (PNP), kung saan inaakusahan ang nagsurender na si Escorial ng kasong murder bilang paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code (RPC).

Bago ito tinukoy din ni Escorial na kanyang kasabwat ang magkapatid na sina Edmon at Israel Dimaculangan mula sa Las Piñas City at isang Orlando o alyas Orly mulas sa Batangas.

Una na ring nakausap ng kapatid ni Percy na si Roy Mabasa, isa ring journalist si Escorial kasabay nang pagsasagawa kagabi “walkthrough” doon sa crime scene sa Las Pinas.

Sa maraming tanong ni Mabasa sa suspek, doon na siya nakumbinsi na ito nga ang gunman sa kanyang kapatid at hindi fall guy.

Napag-alaman din niya na nagpagupit pala ito sa kanyang mahabang buhok bago pa man sumuko sa mga otoridad.