Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na hindi lamang ang isyu sa mga kindnapping incidents, human trafficking at murder cases ang kanilang natukoy na iniuugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kundi maging sa pagkalat ng mga sexually transmitted diseases (STDs) sa mga empleyado nito.
Iniulat ni DOJ spokesperson Mico Clavano nakatanggap sila ng mga report kaugnay sa pagkakaroon ng STDs sa may 15 hanggang 20 mga kaso ng mga empleyado sa isang pogo company.
Sa ngayon hindi pa alam kung gaano karami o kalawakaang ganitong uri ng sakit.
inatasan na rin daw ang NBI upang alamin kung gaano na kalawak ang ganitong uri ng sakit sa mga emopelyado ng POGO.
umaabot ang DOJ na ang kanilang operasyon ngayon sa pagpapa-deport o pagkansela ng mga bisa ay matigil na rin ang sakit.
Kabilang sa diskarte ngayon ng DOJ at Bureau of Immigration sa halip daw na agarang ipa-deport ang mga illegal Chinese citizen, para naman daw makatipid at humanitarian approach” ay kanselahin na lamang ang 48,782 na mga alien visa.
Naniniwala ang DOj na ang naturang hakbang ay magbibigay pagkakataon sa mga Chinese na boluntaryong umalis ng Pilipinas sa loon ng 59 na araw.
Paliwanag pa ng DOJ ipapatupad lamang ang summary deportation kung hindi pa rin aalis ang isang Chines sa loob ng 59 na araw mula ng kanselahin ang kanilang mga visa.