Magkasamang pinulong ng Department of Justice at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang mga pamilya’t kaanak ng mga nawawalang sabungero.
Ito ay matapos na magkaroon ng mga panibagong development ang pulisya hinggil sa kanilang ginagawang imbestigasyon dito.
Layunin nito na bigyan ng update ang mga kamag-anak ng 34 na mga nawawalang sabungero sa Laguna hinggil sa naturang kaso.
Kasunod ito ng pagsasampa ng reklamong kidnapping sa dalawa pang bagong mga suspek sa krimen matapos na ilabas na ng mga otoridad ang computerized facial composite ng mga ito mula sa “secret cellphone video” na kanilang nakuha.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay tiniyak ng Criminal Investigation and Detection Group ng Philippine National Police na hindi nila lulubayan at magiging prayoridad nito ang mga kaso ng mga nawawalang sabungero.
Kasabay ng kanilang puspusang pagpupursigi sa pangangalap pa ng mga ebidensya at paghahanap ng mga testigo na makakatulong sa pagresolba sa nasabing kaso.