Aminado ang Department of Justice na may kahirapang mahuli si dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag dahil marami itong koneksyon sa mga Pulis.
Ayon kay Justice Assistant Secretary at Spokesperson Atty. Mico Clavano, si Bantag man mismo ay isang Pulis kayat madulas itong madakip.
Aniya, hindi naman nangangahulugan na mapipigilan nito ang kanilang imbestigasyon at pag-aresto sa dating opisyal ng BuCor.
Nilinaw rin ni Clavano na ang 3 million reward money ay hindi nangangahulugan na mayroong kapabayaan sa parte ng mga tagapagpatupad ng Batas.
Mahirap lang talaga aniyang mahuli si Bantag at ang pabuya ay malaking tulong upang makuha ang simpatya ng publiko na maaaring magresulta sa agarang pagkakahuli kay Bantag at Zulueta.
Binigyang diin rin ng opisyal na ang 3 million pesos na reward money para kay Bantag at Zulueta ay hindi nagmula sa pondo ng pamahalaan.
Kung maaalala, noong Lunes ay inanunsyo ng Department of Justice at ng National Bureau of Investigation ang 3 million na pabuya para kay dating BuCor chief Gerald Bantag at sa dati nitong Deputy Officer na si Recardo Zulueta.
Si Bantag ay Zulueta ay sangkot umano sa pagpatay sa isang radio Commentator noong October 8 na si Percy Lapid ng nakaraang taon at sila rin ang itinuturong nagpatahimik sa umano’y middleman na si Jun Villamor sa loob ng New Bilibid Prison.
Nahaharap sila sa kasong paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code for murder, na kung saan hindi sila maaaring makapag piyansa.
Bagamat naglabas na ang Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 at Las Piñas Trial Court Branch 254 ng warrant of Arrest ay bigo pa rin ang mga awtoridad na mahuli ang dalawa .
Sa kabila nito ay siniguro pa rin ng Department of Justice na mabibigyan ng hustisya ang mga biktima at ang kanilang mga naulilang pamilya.