Ipinanukala ng Department of Information and Communications (DICT) na magkaroon ng rating system gaya ng “MTRCB” na bubusisi sa mga content online sa gitna ng paglaganap ng SMS o text scams sa bansa.
Ginawa ni DICT Undersecretary Alexander Ramos, heads ng agency’s Cybercrime Investigation and Coordination Center ang naturang panukala sa pagdinig ng Kamara sa tinaguriang pandemic text scams.
Inirekomenda ng DICT official sa mga mambabatas na lumikha ng isang rating system upang maipaalam ng gobyerno sa publiko hinggil sa content at mga banta na maaaring ma-encounter online sa pag-download ng mga apps, pagbisita sa mga websites o panunuod ng mga video at iba pang content.
Kahit sino aniya ay maaaring maging content creators pero dapat aniya na ma-categorize ang mga impormasyon na kanilang pinopost online kung ang mga ito ay low risk, medium risk o high risk.
Nakatakda namang magsagawa ngayong araw ng Huwebes ang DICT ng interagency meeting kaugnay sa kampaniya laban sa kahalintulad na isyu.