Inumpisahan na ng Department of Human Settlement and Urban Development ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga naging biktima ng bagyong Egay, bagyong Falcon, at Habagat.
Ito ay matapos ipag-utos ni Sec. Rizalino Acuzar ang agarang pamamahagi ng mga tulong pinansyal sa mga biktima.
Inumpisahan ang pamamahagi ng tulong sa mga pamilyang naapektuhan sa Ilocos Region at nakatakdang isunod ang iba pang mga rehiyon sa bansa, kasama ang Region 2, at Cordillera Administrative Region.
Ayon kay Sec. Acuzar, mayroong inisyal na P23million bilang emergency assistance sa mga residenteng nawalan o nasiraan ng mga bahay.
Batay sa pinakahuling datus ng National Disaster risk Reduction Management Council, mahigit 2,000 residential structures ang nasira ng nagdaang supertyphoon Egay sa mga rehiyon ng Cordillera, Ilocos, at cagayan valley.