Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naitalang pagtaas ng covid-19 cases sa pediatric population simula ng magbukas ang school year 2022- 2023 noong Agosto 22 kasabay ng pagbabalik ng face to face classes sa bansa.
Paliwanag ni Health Undersecretary Beverly So na kung titignan ang trends ay walang naobserbahang uptick sa mga kaso sa batang populasyon ng bansa.
Bagamat naninindigan aniya ang DOH na kanilang sinusuportahan ang in-person classes subalit kailangan pa rin aniya na mabatid na mayroon pa ring covid-19 cases na maitatala dahil sa tumataas na mobility ng mga tao.
Iniulat din ng DOH official na hindi tumaas ang hospital admission rates.
Paliwanag ng DOH official na ang iniiwasan lamang aniya ang pagtaas ng bilang ng mga kaso at bilang ng mga naadmit sa mga ospital. Subalit kapag ang mga kaso ay tumataas ngunit hindi ang hospital admission nakikita na naproprotektahan ang ating mga sarili sa tulong ng mga bakuna kontra covid-19.
Ayon naman sa DepEd, kumakalap pa sila ng data kung ilang mga mag-aaral ang binakunahan kontra covid-19. Iniulat naman ni Deped spokesman Michael Poa na ang vaccination rate sa mga guro ay nasa 92 hanggang 96% na.
-- Advertisements --