Nais ng Department of Health (DOH) na panatilihin pa rin ang pagsusulot ng face masks sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ito ang posisyon ng kagawaran sa isinagawang unang pagpupulong ng the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na nagmungkahi ng pagluluwag sa mandatoryong pagsusuot ng face mask sa outdoors.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire ang kanilang desisyon ay base na rin sa ilang mga data na iprinisenta sa naturang pagpupulong.
Ibinahagi ni Vergeire na sinabi ng economic managers sa naturang meeting na ang bilang ng mga turista ay inaasahang tataas sa oras na tanggalin na ang face mask mandate sa outdoors.
Kaya’t kailangan aniya na balansehin ang kalusugan at ekonomiya.
Ibig sabihin tanging sa mga settings na hindi crowded, may maayos na bentilasyon at sa mga low risk individuals maaaring luwagan ang mask mandate sa outdoors subalit hindi sa mga senior citizens, may comorbidities, mga bata at may symptoms ng COVID-19.
Subalit nilinaw naman ng Malacañang na hindi pa pinal ang optional mask rule sa outdoors.