Nagpaalala ang Department of Health (DOH) na dapat pa ring magsuot ng face mask lalo na sa mga tinatawag na high-risk areas bilang default habit sa kabila ng pagluluwag ng face mask mandate sa outdoors.
Ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire kabilang sa high-risk situations ay ang crowded places o matataong lugar, enclosed spaces, sa mga pampubilkong transportasyon o mga lugar na may hindi maayos na bentilasyon.
Binigyang diin din ni Vergeire na dapat alam nating kung kaialn dapat tatanggalin ang face mask at ma-assess ang ating sarili kung tayo ba ay immunocompromised, may sakit o kabilang sa at-risk populations para matukoy kung kailangan pa rin na magsuot ng face mask na siyang makakaprotekta sa atin laban sa virus.
Dagdag pa ni Vergeire na sa boluntaryong pagsusuot ng face mask kapag lalabas ng bahay dapat na ugaliin na mapanatiling malinis ang face mask kapag hindi ginagamit. Dapat na mayroong lalagyanan o tali para laging nakatiklop at hindi madumihan.
Nauna na ring inihayag ng DOH na hindi napapanahon para luwagan na rin ang restriksyon sa indoor masking o sa pagsasagwa ng face to face classes.