-- Advertisements --
image 210

Todo ngayon ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa lahat ng mga residenteng hanggang sa ngayon ay binabaha pa rin ang kanilang lugar na kumuha ng libreng gamot laban sa leptospirosis.

Ayon aky DoH-officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, ang gamot nama laban sa leptospirosis ay libreng ibibigay ng gobyerno.

Una rito, sinabi ni Vergeire na nakipagkita na raw ang mga ito sa kanilang mga regionl directors at binigyan ng direktiba na i-assess ang sitwasyon sa kanilang lugar.

Kasabay nito ay namahagi na rin sila ng prophylactic medicines para mapigilan ang pagtaas ng leptospirosis cases sa bansa.

Nagpaalala si Vergeire sa mga lulusong sa baha na magsuot ng bota dahil ang leptospirosis ay nakukuha sa pamamagitan ng ihi ng daga kaya maari itong maisama sa tubig baha.

Kaya kapag lulusong daw sa baha at may sugat ang isang indibidwal ay maari itong makakuha ng leptospirosis.

Base sa pinakahuling data mula sa DoH, nasa 1,770 na ang naitalang kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Agosto 27, 2022.

Mas mataas ito ng 36 percent kumpara sa naitalang kaso sa parehong period noong nakaraang taon.