-- Advertisements --
vergeire

Nakatakdang magbalangkas ang Department of Health (DOH) at iba pang ahensya ng gobyerno ng isang “short-term” plan para mapangasiwaan ang diarrheal disease outbreak sa bansa.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire nagpulong ang DOH at ang Interagency Committee on Environmental Health (IACEH) para talakayin ang ilang outbreaks sa bansa, partikular ang diarrheal outbreak.

Binanggit ni Vergeire na sa imbestigasyon ng DOH, nabunyag na ilang lugar na nagkaroon ng diarrheal outbreaks ay walang access sa ligtas na inuming tubig gayundin ang mga hygiene facility tulad ng palikuran, at mga barado na wastewater system.

Nabanggit din niya na ang sanhi ng pagkakaroon ng isang indibidwal ng sakit ay “20 porsyento lamang ang direktang sanhi ng kalusugan” habang ang “80 porsyento o higit pa ay dulot ng iba pang mga kadahilanan sa labas ng kalusugan na maaaring ang kapaligiran, edukasyon, trabaho, at iba pa.

Nakatakdang susuriin ng Interagency Committee on Environmental Health (IACEH) ang Code of Sanitation of the Philippines.

Ang grupo ay binubuo ng 12 ahensya ng gobyerno, kabilang ang DOH.

Ang iba pang departamento ay ang Interior and Local Government (DILG), Agriculture (DA), Science and Technology (DOST), Labor and Employment (DOLE), Trade and Industry (DTI), Public Works and Highways (DPWH), Transportation (DOTr). , Information and Communications Technology (DILG), Environment and Natural Resources (DENR), National Economic and Development Authority (NEDA), at Philippine Information Agency (PIA).