Kumambiyo ang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa isyu ng posibilidad ng pag-withdraw mula sa Swiss bank account ng pamilya Marcos sa pagbisita ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Davos, Switzerland mula Lunes, Enero 15 hanggang 20.
Ayon pa kay Foreign Affairs Undersecretary Carlos Sorreta na hindi magiging isyu ang Swiss accounts ng pamilya Marcos sa inaabangang pagbisita ng Pangulo sa nasabing bansa.
Saad pa ng opsiyal na walang legal mechanisms ang makakapag-trigger sa partisipasyon ng Pangulo para sa 2023 World Economic Forum sa Davos.
Kung matatandaan, taong 2018, napatunayan ng Sandiganbayan 5th Division na guilty ang ina ni Pangulong Marcos na si dating First lady at Ilocos Norte Rep. Imelda Romualdez Marcos sa 7 bilang ng graft dahil sa paggamit ng kaniyang Cabinet position para mapanatili ang Swiss bank accounts sa ilalim noon ng rehimeng ng nakatatandang Marcos.
Nag-ugat ang graft cases ng pamilya Marcos mula sa reklamong inihain noong 1991 matapos sabihin ng prosekusyon na ang public funds ay inilgay ng pamilya Marcos sa kanilang personal accounts sa ibang bansa.