Nananatili umano ang magandang relasyon ni Finance Secretary Benjamin Diokno at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kabila ng mga lumabas na report na may papalit na sa kanyang puwesto.
Ayon kay Diokno, hindi raw niya alam kung saan nanggaling ang mga report na papalitan siya ni Albay Representative Jose Maria Clemente “Joey” Salceda.
Aniya, matanda na raw ito pagdating sa kanyang karera at ang iniisip na lamang nito ay ang kanyang trabaho.
Una nang lumabas ang mga balitang papalitan daw ni Pangulong Marcos si Diokno at nakatakda nitong i-appoint si Salceda bilang Finance secretary na itinanggi naman ng ekonomistang mambabatas.
Samatala, sa kanyang namang keynote speech sa Pilipinas Conference sa Makati, tinalakay ni Diokno ang mga bagong hamon sa muling pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Una rito, inilabas ng Marcos administration ang eight-point agenda na layong maabot ang kanilang target na mapababa ang poverty rate sa single-digit at maitaas ang status bilang upper-middle income economy.