-- Advertisements --
deped1

Habang nalalapit na ang nakatakdang rollout sa full face-to-face classes sa susunod na buwan, tinatapos na ngayon ng Department of Education (DepEd) ang pagkalap ng mga datos sa mga eskwelahan na nagpatupad ng blended learning.

ang findings ng DepEd ay kanilang isusumite sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay DepED Spokesperson Michael Poa, matapos ibigay sa pangulo ang report aantayin naman nila kung ano ang magiging desisyon kung ipagpapatuloy pa rin ang blended learning.

Kung maalalala ang Classes for School Year (SY) 2022 -2023 ay nagbukas noong Aug. 22 kung saan pinayagan ang mga paaalan na mag implementa ng full face-to-face, blended learning, at full distance hanggang sa Oct. 31.

Batay pa sa guidelines ng DepEd, ang lahat ng public at private schools na nag-o-offer ng basic education programs ay dapat na magpatupad ng limang araw na face-to-face classes simula na sa Nov. 2.

Gayunman, may mga panawagan lalo na mula sa private sector — na payagan pa rin daw ang mga private schools na ipagpatuloy ang implementation ng blended learning kahit matapos na ang Oct. 31.

Inamin naman ni Atty Poa na hindi pa nagbibigay ang DepEd ng general instructions sa mga public at private schools ukol sa susunod na preparasyon sa November 2 habang inaantay ang desisyon ng Pangulong Marcos Jr. at cabinet members kaugnay sa full face-to-face classes.