Nagpaliwanag ang Department of Budget and Management (DBM) sa pagtapyas ng pondo para sa mga programa ng Department of Health (DOH).
Kabilang dito ang Epidemiology and Surveillance Program, Health Regulatory Program, Public Health Program, at Health Emergency Management Program.
Sinabi ng DBM, na kasalukuyang nasa tight fiscal position ang gobyerno at kailangan na masusing pag-aralan ang pagprayoridad sa nasabing mga proyekto base sa available na pondo at sang-ayon sa fiscal management.
Inisyu ng ahensiya ang naturang pahayag matapos na idulog ng opposition lawmaker ACT Teachers party-list Representative France Castro ang pagtapyas sa pondo sa key programs ng DOH na inilarawan din nitong nakakaalarma.
Partikular na ang pagbawas sa pondo sa Epidemiology and Surveillance program ng P115 million, sa COVID-19 Laboratory Network Commodities (bumaba ng P7.92 billion), COVID-19 Human Resources for Health Emergency Hiring nasa P4.33 billion at ang Prevention and Control of Communicable Diseases (bumaba ngP4.17 billion.)
Subalit paliwanag ng DBM na walang sapat na detalye ang DOH hinggil sa Epidemiology and Surveillance Program para sa 2023 kung kayat ikinokonsidera na hindi pa ito handa para sa implementasyon.
Paliwanag din ng Budget department na nagkaroon ng bawas sa pondo sa Prevention and Control of Communicable Diseases dahil sa mababang requirement para sa Personal Protective Equipment (PPE) na nirequest ng DOH para sa Fiscal year 2023 mula sa P5.304 billion sa FY 2022 sa P1.020 billion para sa FY 2023.
Ang pagtapyas naman sa pondo sa Public Health Management program ay dahil sa low utilization rate ng ahensiya sa pondo na nasa 76.7% lamang noong FY 2021.
Ang bawas naman sa Health Regulatory Program’s budget ay dahil sa cngressional adjustment sa fiscal tear 2022 General Appropriations Act na hindi ikinonsidera para sa fiscal year 2023.
Pinaliwanag din ng DBM na walang alokasyon na ibinigay para sa COVID-19 Human Resource for Health Emergency Hiring for 2023 mula ng i-charge sa pondo ng LGUs ang requirements para sa mga vaccinators.
Sa kabila naman ng tight fiscal position ng gobyerno, binigyang diin ng DBM na nakatanggap ng 10.4% na taas sa pondo ang health sector na nasa P296.3 billion sa 2023 national budget.