-- Advertisements --
image 46

Sinabi ng Department of Agriculture na mayroong higit sa sapat na suplay ng baboy para matugunan ang pangangailangan sa merkado ngayong kapaskuhan.

Una rito, may nauna nang inilabas na report na nagkaka-ubusan na ng karneng baboy sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ayon kay Department of Agriculture deputy spokesperson Rex Estoperez dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, tanging ang mga nagbebenta ng frozen na karne ang nag-aalangan na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan.


Gayunman,tiniyak niya na walang kakulangan sa baboy, lalo na sa nalalapit na panahon ng Pasko
Huwag umano, mabahala ang mga consumer na maubusan dahil sasapat pa ang karneng baboy sa mga susunod pang mga buwan.