-- Advertisements --
Department of Agriculture 1

Pansamantalang ipinagbawal ng Department of Agriculture (DA) ang pag-aangkat ng mga baka at mga kaugnay na produkto mula sa The Netherlands at mga produktong manok mula sa Turkey.

Ito ay dahil sa naiulat na outbreak ng mad cow disease sa The Netherlands at ng avian influenza sa Turkey.

Ang pagbabawal ay sumasaklaw sa mga buhay na hayop, karne at mga produkto ng karne na nagmula sa mga baka, gayundin ang mga domestic at ligaw na ibon at ang kanilang mga produkto mula sa mga nasabing bansa.

Ang kautusang ito ay magkakabisa kaagad at mananatiling ipapatupad maliban na lamang kung bawiin sa pamamagitan ng sulat.

Sa pagkakaroon ng pagbabawal, agad na sinuspinde ng Department of Agriculture ang pagproseso, pagsusuri ng mga aplikasyon at pag-iisyu ng sanitary and phytosanitary (SPS) import clearance para sa mga nasabing produkto.

Dagdag dito, ang lahat ng mga pagpapadala ng karne na nagmumula sa The Netherlands na nasa transit o naikarga na sa daungan bago ang pag-isyu ng order na ito ay papayagan, basta’t ang mga produkto ay kinatay o ginawa bago Enero 1 ng kasalukuyang taon.

Una na rito, ang naturang departamento ay magsasagawa ng mas mahigpit na inspection sa lahat ng pagdating ng karne at mga produkto nito, gayundin ang mga domestic at wild birds sa lahat ng mga pangunahing daungan ng ating bansa.